Buhay ko sa Singapore

Katatapos ko pa lang magradweyt sa kolehiyo ng mapag-isipan kong pumunta sa bansang Singapore. Ang nais ko lamang ay makapunta sa bansang iyon upang magtrabaho bilang domestic helper. Sa pag-aakalang madaling pasukin ang ganitong klase ng trabaho iniwan ko ang aking mga mahal sa buhay. Wala pang training ng Tesda o Owwa noon kaya wala akong idea sa mga kultura nila, mga tradisyon o kaugalian. Sa unang araw ko sa bahay ng aking amo inilibot ako sa kanyang bahay sobrang lawak at taas, umaabot ng hanggang tatlong palapag. Unang pagkakataon kong naihiwalay sa aking ina parang di ko makaya dahil nakaramdam ako ng homesick. Madilim dilim pa'y gising na ako sa umaga konteng ayos sa katawan at simpleng pagkain ng almusal pagkatapos ay magsisimula na akong maglinis sa napakalaking bahay na iyon. Meron akong boyfriend noon, nagpadala pa nga ako ng sulat sa kanya isang beses. Hindi ko natagalan ang pagtratrabaho sa aking amo dahil nais ko ng umuwe kahit hindi pa tapos ang aking kontrata. Iyak ako ng iyak, malas pala para sa mga intsik ang ganun. Naka tatlong buwan lang ako noon at ako'y umuwe na pinayagan na rin ako ng akinh amo. Ang masakit lang pagdating ko sa aming lugar nalaman ko meron na palang ibang kinakasama ang aking nobyo at buntis na rin. Masakit man para sa akin hinayaan ko na lang sila. Hindi para sa akin ang lalaking iyon at hindi kami para sa isa

Comments

Popular posts from this blog