MGA KABATAANG PILIPINO NG IKA-21 SIGLO SA PAGHAHANAP NG TRABAHO AT MAGING PRODUKTIBO

Sa panahon ng globalisasyon, hindi maikakaila ang mga pagbabagong nagaganap sa loob at labas ng ating bansa. Malaki ang impluwensya sa mga kabataan ngayon sa modernong nagaganap sa atin lalo na sa kanilang paghahanap ng trabaho.Mag-apply ng trabaho na gusto mo at angkop sa iyong kasanayan at natapos na kurso.Kapag ikaw pinalad at natanggap sa trabahong inaplayan dapat mo itong pagbutihin at sisipagan.Kung mababa ang suweldo huwag muna ito ang isipin ang importante nag-eenjoy ka, sa pamamagitan nito makikita ng iyong employer ang kasipagan mo dahil doon papasok ang promotion at pagtaas ng iyong sahod.Sa mga kabataan ngayon  hi-tech na sila kung mag-apply ng trabaho dahil sa online o social media sites na lng sila nag-aaply.Sa mga employer naman ginagamit ang advance technology para magpost na kanilang job vacancies.Halos bawat kumpanya ay may website ngayon, kaya maghanap ng sites at siguradong makakahanap ng trabaho. Para mas lalong maging produktibong kabataan sa paghahanap ng trabaho dapat maging team player sa trabaho.Sa mga employer kadalasang hinahanap nila ang mga empleyadong team player sa trabaho dahil sa isang kumpanya hindi lang isang tao ang nagpapagalaw  dito kundi isang team, at dahil dito kailangan makisama sa iyong mga katrabaho.Kailangan din magkaroon ng magandang pag-uugali.Ipakita ang magandang ugali habang nasa job interview.Pinaka unang tinitignan ng employer ay ang pag-uugali dahil nga hindi magkakilala.Kaya importante sa kanya kung paano ka makitungo at kung paano ka umasta sa mga sagot sa kanyang tanong .Huwag magbabanggit ng kahit na anong paninira dahil mismong ito ang makakasira sa iyong kuwalipikasyon.Kailangang maingat sa pagpopost sa social media at social networking sites.

Comments